Iniulat ng Department of Health na umabot na sa 40 kabataan ang nasawi ngayong taon nang dahil sa sakit na Pertussis.
Sa isang statement, sinabi ng ahensya na nakakita ito ng pagtaas sa mga bagong kaso ng pertussis sa buong bansa.
Sa datos, mula noong Marso 10 hanggang 16, 2024 ay nakapagtala ang DOH ng dagdag na 28 ko ng nasabing sakit na nagdala naman sa kabuuang bilang nito na 568 na mga kaso mula noong Enero 1 hanggang Marso 16, 2024.
Mula sa naturang bilang, aabot sa 62.7% o 365 sa mga biktima nito ay pawang mga sanggol na may edad na anim na buwan pababa, kung saan 270 o 75.8% ang mga hindi bakunado, habang nasa 384 o 67.6% naman ang kabuuang bilang ng mga kaso ang may kaparehong kondisyon.
Sa talaan ng DOH, kabilang sa mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso ng Pertussis ay ang Calabarzon, Metro Manila, Western Visayas, Mimaropa, at Central Visayas.
Dahil pa rin dito ay patuloy na hinihikayat ng kagawaran ang lahat ng mga mag lang at guardian na pabakinahan ang kanilang mga anak laban sa respiratory infections.
Sa ngayon ay mayroong na kanilang 64,400 na nga doses ng pentavalent vaccines sa bansa habang inaasahan namang may darating pa na dagdag na tatlong milyong doses nito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.