-- Advertisements --

Nasa 66.2 million na ang bilang ng mga Pilipinong fully vaccinated kontra sa covid19 sa buong bansa.

Base sa ulat mula sa tagapagsalita ng DOH at undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa datos nitong Abril 4, mayroon na ring 1.4 million ang nakatanggap ng kanilang unang dose habang nasa 12.2 million naman ang naturukan ng booster dose.

Sa A2 population ng bansa o senior citizens, nasa 6.6 million ang fully vaccinated at nasa 8.9 million naman sa mga indibidwal na maycommorbidities o A3 population.

Sa batang populasyon ng bansa nasa 1 million na ang fully vaccinated habang nasa 9 million naman sa mga kabataan.

Muling panawagan ng DOH sa publiko lalo na sa 46.8 million indibdwal na magpabakuna na sa booster shots ngayong may panibago na namang lumitaw na variant ng covid19.

Ipinunto ni Vergeire na napatunayang mas kakaunti ang namatay sa nagdaang covid19 surge dahil narin sa mataas na rates ng booster vaccination.