Bumababa na ang bilang ng mga COVID-19 patients na ginagamot sa mga pribadong ospital sa Metro Manila, ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI).
Ayon kay Dr. Rene Jose de Grano, presidente ng PHAPI, halos 95 percent na kasi ng mga kaso sa Metro Manila ay pawang asymptomatic o mild, na hindi na kailangan pang isugod sa ospital hindi tulad ng mga nakakaranas ng moderate, severe at critical cases.
Karamihan nga aniya ng mga COVID-19 patients sa Metro Manila ay pawang nasa mga isolation facilities na lamang, pero sa nakakita naman sila nang pagtaas sa iba pang lugar sa bansa tulad ng Region IV, sa Visayas, Davao, Cotabato, Cagayan at Santiago City.
Maaring ito ay dahil sa kakulangan ng government at isolation facilities sa mga lugar na ito.
Nauna nang sinabi ng mga health authorities na bukod sa pagsipa ng COVID-19 infections sa Visayas, nanatili namang “fragile” ang pandemic situation sa Metro Manila at walong probinsya at lugar sa bansa tulad ng Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao.
Pero nakakita naman sila Dr. Rene Jose de Grano, presidente ng PHAPI, nang pagtaas sa mga kaso sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.










