-- Advertisements --
Nagpapakita umano ng pagtaas sa bilang ng naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 ang walong syudad sa National Capital Region (NCR).
Sa pulong sa bayan ni Pangulong Duterte kagabi ay ibinahagi ng kalihim ang nakikitang pagtaas ng COVID cases trend sa walong lungsod sa Maynila. Hindi naman nito idinetalye kung ano-anong lungsod ito.
Bukod pa sa walong syudad sa NCR ay tumataas din aniya ang kaso ng nakamamatay na virus sa Region 7 at CARAGA.
Subalit sa pangkahalatan daw ay nakakaranas na ng pagbaba ang COVID-19 cases sa buong bansa.
Kahapon ay nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 1,000 bagong kaso ng coronavirus dahilan upang sumampa na sa mahigit 550,000 ang kabuuang COVID cases sa bansa.