Screenshot 2019 12 27 12 07 39 64

Nasa 34 katao na ang biktima ng paputok, tatlong araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Sa latest update mula sa Department of Health (DoH), nanatili ang Metro Manila ang pinakamaraming biktima na lomobo na sa walo.

Pumapangalawa rito ang Regions 1, 2, 5 at Calabarzon na mayroong tig-apat na kaso.

Sunod dito ang Regions 7 at 12 na may naitalang tig-tatlong kaso habang dalawang kaso ang naitala sa Region 6 at tig-iisang kaso ang naitala sa Region 11 at Mimaropa.

Sa mga nabiktima ng paputok, 26 dito ang lalaki na may edad apat hanggang 71-anyos.

Karamihan pa rin sa mga nasugatan ay biktima ng boga (5), luces (4), piccolo (4), kwitis (3), whistle bomb (2) at 5-star (2).

prohibited firecrackers