
Nagkaloob ng food assistance si Senator Grace Poe sa libo-libong pamilya na naapektuhan ng flash floods sa Negros Occidental.
Ipinamahagi ni Poe ang tulong sa isang relief operation na pinangasiwaan ng Panday Bayanihan sa mga siyudad ng Victorias at Silay kung saan libo-libong pamilya ay naging biktima ng malaking pagbaha.
Tumanggap ang mga biktima ng food packs na may kilo-kilong bigas, packs of noodles, cans of corned beef and beef loaf, at sachets of coffee drink.
“Alam po natin na hindi sapat ‘yan, pero kahit paano, mararamdaman nila na nandito ang inyong lingkod sa sitwasyon na kailangan nila ang tulong at kalinga,” wika ni Poe .
Nagpasalamat ang mga benepisaryo kay Poe at sa Panday Bayanihan sa pagsasabing nagbigay inspirasyon sa kanila ang tulong na natanggap upang sila ay muling makabangon sa krisis.
Ang Panday Bayanihan ay isang non-government organization na pinamumunuan ng anak na senador at kanyang chief of staff na si Brian Poe Llamanzares na aktuwal nangasiwa sa pagkakaloob ng ayuda.
Ang mga siyudad ng Victorias at Silay at iba pang lugar sa Third District of Negros Occidental ay nakaranas ng matinding pagbaha noong New Year’s Day dahil sa malalakas na pag-ulan.
Makaraan ang isang linggo, noong January 8 ay muling nakaranas ng second wave ng flash flood ang naturang lugar kung saan dalawa katao ang namatay .
“Nakakalungkot talaga. Binaha sila not just once, but twice. Hindi pa nga nakakaahon sa unang baha, binaha pa uli wala pang sampung araw ang pagitan,” wika ni Poe.
Nagpapasalamat ang senador sa mga nagkakaloob ng suporta sa Panday Bayanihan, ipinangalan sa iconic fictional local hero of the underdog masses na ginampanang papel ng ama ng senador na si Fernando Poe Jr., sa “Ang Panday” movie series.
“Ang mga natural disaster tulad nitong flash floods na tumama sa ating mga kasimanwa sa Negros Occidental ay hindi mapipigil. Ang kahanga-hanga sa mga Pilipino ay ang kultura ng ‘bayanihan’ at spirit of volunteerism na agad tayong tumutulong sa sinuman na nangangailangan kahit hindi natin kilala,” wika ni Poe.
Ang kanyang ina na veteran actress na si Susan Roces, ay tubong Bacolod City, Negros Occidental.
Si Poe ay chairperson ng Senate Committee on Public Services, kung saan niya isinusulong ang Senate Bill No. 124, “Philippine Disaster Risk Reduction and Management System Act”, na may layuning na lumikha ng isang disaster risk reduction department at maglaan ng at least three percent of all estimated regular government revenues para sa National Disaster Risk Reduction and Management fund.
“We really cannot avoid flash floods, typhoons, volcanic eruptions, and other natural disasters. But we can mitigate their impact through preventive measures, preparedness, and building communities resilient to calamities which can be effectively implemented once institutionalized through the passage of this measure,” dagdag ni Poe.










