-- Advertisements --
IMG 20190805 173200

Nagpasaklolo ngayon ang kampo ni Peter Joemel Advincula sa Department of Justice (DoJ) para hilinging mapasailalim ito sa Witness Protection Program (WPP) ng kagawaran.

Sa pamamagitan ng kanyang counsel na si Atty. Larry Gadon, pormal nitong isinumite ang pitong pahinang letter of intent ni Advincula para sa aplikasyon sa WPP ng umaming nasa likod ng “Ang Totoong Narco-list” video na nagdadawit kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa illegal drug trade.

Sa pagtatanong ng Bombo Radyo kay Gadon, sinabi nitong araw-araw nakakatanggap ng banta sa buhay ang kanyang kliyente kaya naisipan na nilang dumulog sa DoJ.

Tiwala si Gadon na pasok sa WPP si Advincula dahil siya raw ang least guilty sa kasong isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kabilang na ang sedition, libel at iba pang kaso.

Nilinaw naman nitong mananatiling respondent si Advincula sa kasong isinampa ng PNP-CIDG.