-- Advertisements --
PASIG BIKES 2
IMAGE | Pasig frontline personnel with free bike service/Pasig Transport

Sinimulan na ng Pasig City local government unit ang pagpapahiram ng units ng bisikleta sa mga health workers na apektado ng pansamantalang tigil operasyon ng pampubliko mga sasakyan dahil sa Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ayon sa Pasig Transport, tuloy-tuloy pa ang kanilang pagtanggap sa donasyon ng mga bago at lumang bikes para magamit ng mga frontline personnel papunta sa kanilang trabaho.

Nagpasalamat din ang tanggapan sa mga nauna ng nagpaabot ng tulong sa hakbang ng LGU.

“We released the first batch of bikes to our frontline personnel – starting with medical staff from the Pasig City General Hospital and security personnel from BCEO.”

“Thanks to everyone who has responded to our call and to those that have sent us requests for bikes. We will reply to all of you as soon as we can.”

Una ng tinabla ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ban sa mga tricycle dahil batid ng alkalde ang pangangailangan sa transportasyon ng frontline workers.

Tiniyak naman ng punong lungsod na buo pa ring matatanggap ng city government employees, mapa-regular man o contractual, ang kanilang sahod sa pagitan ng mga petsang apektado ng lockdown.

Nagtayo na ng sanitation tents ang lungsod sa kanilang city hall at ospital, gayundin na bumili na ng daan-libong food packs para sa mga residente.