-- Advertisements --

Posible pa ring makaranas ng mga biglaan at malalakas na ulan ang ilang bahagi ng Luzon.

Ito’y kahit humina na ang bagyong Carina na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Magugunitang naging low pressure area (LPA) na lang ang naturang sama ng panahon nitong nakalipas na mga oras.

Huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 200 km sa hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Maliban dito, wala nang ibang aktibong sama ng panahon sa loob ng karagatang sakop ng ating bansa.