-- Advertisements --

Ilang oil companies ang nagkumpirma na rin sa ipapatupad nilang dagdag na presyo bukas sa araw ng Martes.

Ayon sa kompaniyang Pilipinas Shell, magpapatupad sila bukas ng oil price increase dakong alas-6:00 ng umaga.

Ang itataas sa gasolina ay P0.80 kada litro; sa kerosene ay P2.90 bawat litro; habang big time oil price increase naman sa diesel na P2.70 bawat litro,

Ang Clean Fuel ay bukas pa raw ng alas-4:01 ng hapon ang kanilang price adjustment habang ang Sea Oil ay may kapareho ring oil price hike.

Mas maaga naman ang implementasyon ng oil adjustment ng Caltex Philippines na ipapatupad mamayang alas-12:01 ng madaling araw.

Inaasahang magsusunuran na rin ang iba pang mga oil companies sa kanilang mga anunsiyo.