Walang plano si US President Joe Biden na makipagpulong kay Russian President Vladimir Putin kapag sila ay dadalo sa G20 summits sa Bali, Indonesia sa susunod na buwan.
Ayon kay US National Security Council coordinator for strategic communications John Kirby na mananatili pa rin ang position ni Biden na hindi ito makikipag-usap kay Putin.
Ang hakbang ay dahil sa makailang uilit na panawagan ni Biden kay Putin na dapat alisin na nito ang mga sundalo nito na lumulusob sa Ukraine.
Sabi naman ni Biden na sakaling lapitan siya ni Putin sa nasabing pagpupulong ay hihilingin niya ang pagpapalaya kay WNBA star Britnney Griner na nakakulong matapos makuhanan ng ipinagbabawal na substance.
Magugunitang hinatulang makulong ng hanggang siyam na taon si Griner matapos mahulian ng ipinagbabawal na substance sa cartridge ng kaniyang vape.