-- Advertisements --

Tiniyak ni US President Joe Biden na makikipagikita ito kay Chinese President Xi Jinping sa buwan ng Nobyembre.

Ayon sa US President na naniniwala siyang matutuloy na ang personal nilang pagkikita sakaling dumalo si Xi sa Group of 20 nations summit na gaganapin sa Indonesia.

Dagdag pa nito na sakaling dumalo si Xi ay tiyak na magkikita sila.

Kaniya na rin itong natalakay noong makausap niya si Xi sa telepono noong Hulyo.

Sa nasabing usapan ay natalakay nila ang tensiyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Patuloy kasi na iginigiit nig China na parte ng kanilang bansa ang Taiwan.