-- Advertisements --

Agad na sinisi ni US President Joe Biden ang militant groups ng suportado ng Iran na responsable sa drone attack sa US outpost sa Jordan na ikinasawi ng tatlong sundalo nila.

Sa nasabing atake rin ay hindi bababa sa 30 mga sundalo ng US ang nasugatan.

Dagdag pa nito na kahit na patuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon ay alam ng lahat na ang insidente ay kagagawan ng mga radical Iran-backed militant groups na nag-ooperate sa Syria at Iraq.

Pinuri ng US President ang tatlong sundalong nasawi kung saan sinabi nitong hindi matatawaran ang kanilang ipinakitang katapangan.

Pagtitiyak pa ni Biden na kanlang papanagutina ng mga miltanteng grupo na nasa pag-atake.