-- Advertisements --
image 108

Binatikos ni United States President Joe Biden ang wala umanong konsensya na pag-atake ng mga militanteng Hamas sa Israel, kasabay nito ang pangako niya na ang kanyang administrasyon ay susuportahan ang Israel pagkatapos ng sorpresang pag-atake dito na umani ng pagkondena at galit mula sa mga kaalyado ng Israel.

Ang mga opisyal ng Estados Unidos at Israeli ay nakikipag-ugnayan ngayon hinggil sa mga pangangailangan ng militar ng Israel, at asahan aniya ang desisyon sa lalong madaling panahon,ayon sa isang matataas na opisyal ng U.S.

Sa ngayon ang Estados Unidos ay nakikipagtulungan sa ibang mga pamahalaan upang matiyak na ang krisis ay hindi na kumalat pa at ito ay mapanatili lang sa Gaza kasunod ng isang nakamamatay na pag-atake ng Hamas sa Israel.