-- Advertisements --
Papayagan na ng US ang mga bansa sa Europa na magsimulang isanay na ang mga Ukrainian fighter pilots sa paggamit ng kanilang F-16 fighter jets.
Ayon kay US national security adviser Jake Sullivan na mayroon ng green light umano si President Joe Biden para sa masimulan na ang training.
Humirit naman ang ilang mga European leaders ng ilang linggo.
Magugunitang isa ang F-16 jets na ipinangako ng US sa Ukraine para tuluyang mapalayas ang mga Russia sa kanilang bansa.