-- Advertisements --

Pinapatutukan ni US President Joe Biden sa mga otoridad sa Alabama, kasunod ng panibagong mass shooting na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng hindi bababa sa 20 katao.

Naganap ang insidente sa isang birthday party sa Mahogany Masterpiece Dance Studio sa lungsod ng Dadeville.

Pinapakilos ni Biden ang mga otoridad para agad na maaresto ang suspek kung saan inaalam pa nila ang motibo dito.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Governor Kay Ivey sa mga biktima ng pamamaril at pagtitiyak nito na kaniyang tutulungan ang mga biktima habang pananagutin ang suspek.