Tinanggal na ni US President Joe Biden ang travel restrictions sa walong southern African nations kabilang na ang South Africa kung saan nagmula ang Omicron coronavirus variant.
Sinabi nito na ang nasabing proklamasyon ay hindi na mahalaga para maprotektahan ang kalusugan ng marami.
Napag-alaman kasi ng mga eksperto na ang mga bakunado laban sa COVID-19 ay protektado na rin laban sa Omicron coronavirus variant.
Kasabay din nito ay binawasan na ng US Centers for Disease Control (CDC) ang isolation sa mga taong asymptomatic ng COVID-19.
Ginawa na lamang itong limang araw mula sa dating 10 araw.
Paliwanag ng CDC na karamihan sa mga transmission ay nagaganap dalawang araw bago at tatlong araw matapos na maramdaman ang sintomas.
Inamin din ng CDC na nagkulang sila sa testing kung saan matapos ang isolation ng isang indibidwal ay sasailalim na ito sa COVID-19 testing para matiyak na walang ng hawaan na magaganap.