-- Advertisements --

Naniniwala si US President Joe Biden na may malaking epekto kay Russian President Vladimir Putin ang ginawang pag-aklas ng mercenary group na Wagner.

Sinabi ni Biden, na ang nangyaring 36 oras na tangkang rebellion ay siyang nagpahina sa Russia.

Nagpapakita aniya na malapit ng matalo ang Russia sa ginawang paglusob nito sa Ukraine.

Nauna ng sinabi ni Biden na walang kinalaman ang US at ilang kaalyadong bansa nito sa naganap na tangkang pag-aklas ng Wagner group.