-- Advertisements --

Nakapagdesisyon na si US President Joe Biden kung paano makakaganti sa drone strike ng Iran-backed militants sa kanilang base sa Jordan na ikinasawi ng tatlong sundalo nila.

Hindi na ibinahagi ni Biden ang detalye at tiniyak na lamang na may karampatang hakbang na silang ginagawa para makaganti.

Ang nasabing pahayag ni Biden ay kasunod ng ginawang pulong nito sa mga security team niya ukol sa insidente.

Pabalik na sa US mula sa Jordan ang tatalong bangkay ng mga sundalo kung saan nakausap na ni Biden ang mga kaanak ng mga ito.