-- Advertisements --

Ibinahagi ni Democratic nominee Joe Biden ang naging pag-uusap nila ni Jacob Blake, ang Black American na binaril ng mga pulis sa Kenosha, Wisconsin.

Kwento ni Biden, kasalukuyang nasa ospital si Blake dahil paralisado pa ang halos buong katawan nito ngunit sinabi umano sa kaniya ng biktima na hindi ito susuko hanggang siya ay tuluyan nang gumaling.

Nakipagkita rin si Biden sa pamilya Blake kasabay ng pagbisita nito sa nasabing estado. Namangha umano siya sa ipinapakitang katatagan ng mga kaanak ng 29-anyos na biktima.

Kinumpirma naman ng family lawyer ng mga Blake na si Ben Crump ang naturang pagkikita sa pagitan ng dalawang kampo. Pagbabahagi nito, labis daw ang na naramdaman ng pamilya ni Jacob dahil tila nakahanap sila ng kakampi sa katauhan ni Biden.

“What I came away with was the overwhelming sense of resilience and optimism that they had about the kind of response they’re getting,” pagbabahagi ni Biden.