Pinabulaanan ni US President Joe Biden na isang banta sa mga bansa ang paglahok ng Sweden at Finland sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Sa kaniyang pakikipagpulong kina Swedish Prime Minister Magdalena Andersson at Finnish President Sauli Niinistö sa White House sinabi nito na ang pagsali nila sa NATO ay suportado ng US.
May magandang epekto umano sa NATO ang pagsali ng Sweden at Finland dahil sa mas mapapaigting ang pagdepensa nila sa mga kaalyadong bansa.
Sa panig naman ni Finnish President Sauli Niinistö na kanilang maigting nilalabanan ang terorismo.
Handa umano nilang kausapin ang Turkey na kontra sa pagsali nila sa NATO.
Itinuturing naman ni Swedish Prime Minister Anderson na isang makasaysayan ang hakbang nilang pagsali sa NATO.
Dahil aniya sa pagsali nila ay mas magiging malakas na ang NATO.