-- Advertisements --

Ikinatuwa ni US President Joe Biden ang patuloy na pagpapalaya ng mga Hamas militants sa kanilang bihag.

Kabilang sa 17 pinabagong pinakawalan ay ang 4-anyos na American-Israeli citizen na si Abigail Edan.

Sinabi nito na gumagawa sila ng paraan kasama ang ilang bansa para mapalawig ang apat na araw na tigil putukan na magtatapos ngayong araw.

Umaasa rin ito na tumugon ang mga Hamas sa panawagan na mapalaya ang lahat ng mga bihag.