Hinikayat ni US President elect Joe Biden ang US Congress na ipasa agad coronavirus relief bill.

Sinabi ni Biden na dapat agad na gumalaw ang kongreso dahil kailangan ng kanilang Americans ang tulong.

Tiniyak din nito na sa pag-upo niya sa Enero 20 ay dadagdagan pa tulong na ibibigay sa kanilang mamamayan.

Magugunitang maraming mga mambabatas ang nagsusuporta sa pagpasa ng COVID-19 relief package na nagkakahalaga ng $908 billion.