-- Advertisements --

Hindi na dadalaw si US President Joe Biden sa Ukraine kapag babiyahe ito sa Europa.

Dadalo kasi si Biden sa Europa para sa Group of Seven summit at ang pakikipagpulong sa NATO leaders.

Ayon sa US President na ayaw niyang abalahin pa ang mga Ukrainians na patuloy na nagtatanggol sa kanilang bansa sa pananakop ng Russia.

Sa araw ng Sabado kasi ay magtutungo ito sa Schloss Elmau, Germany para sa G7 Leaders Summit at sa June 28 ay magtutungo sa Madrid, Spain para sa 2022 NATO Summit.

Magugunitang nagbigay ang US ng ilang bilyong tulong para sa pagpapalakas ng puwersa militar ng Ukraine laban sa Russia.