-- Advertisements --

Binatikos ni dating US Vice President Joe Biden ang mabagal na hakbang ni President Donald Trump laban sa coronavirus.

Sinabi nito na hindi maganda ang naging kautusan ng pangulo na bawasan ang ginagawa nilang coronavirus testing.

Isinagawa ni Biden ang pahayag ng maimbitahan itong magtalumpati sa Lancaster, Pennsylvania.

Dagag pa ng dating US Vice President na iniisip ni Trump na kapag nagkaroon ng maraming mga may sakit na Americans ay magiging masama pa ang pagtingin ng marami sa kanilang bansa.

Magugunitang isa si Biden sa matinding katunggali ni Trump sa pagkapangulo sa US.