-- Advertisements --

Tiniyak ng US at United Kingdom na mahigpit ang kanilang ugnayan at ang pagsuporta sa Ukraine sa paglaban nito sa paglusob ng Russia.

Ito ang tinalakay nina British Prime Minister Rishi Sunak at US President Joe Biden.

Sa unang pagkakataon mula ng maupo sa puwesto ay ngayon lamang nakadalaw sa White House si Sunak.

Sinabi ni Biden na mula pa simula ay naging matatag na ang relasyon ng US at United Kingdom kung saan hindi nila hinahayaan ang mga bansang kaalayado nila na sakupin pa.

Ang dalawang bansa rin ang siyang nangungunang nagsusuplya ng mga armas sa Ukraine mula ng simulan ng Russia ang atake nito.