-- Advertisements --

Nagkausap na sa telepono si US President Joe Biden at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ilang araw matapos ang pagkasawi ng pitong humanitarian aide sa Gaza.

Sa nasabing pag-uusap ay binalaan ni Biden si Netanyahu na gumawa ng hakbang para matapos na ang krisis dahil hindi katanggap-tanggap ang ginawang airstrike ng Israel na nadadamay ang mga sibilyan.

Ayon naman kay Secretary of State Antony Blinken, na kapag nabigo ang Israel na protektahan ang sibilyan ay mag-iiba ang kanilang polisiya.

Giit nito na ang pag-atake sa World Central Kitchen ay hindi lamang unang insidente at ito ay mararapat na huli.