Binuksan na ng Department of Transportation(DOTr) ang bidding para sa pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Maalalang unang inaprobahan ng National Economic Development Authority Board ang rehabilitasyon sa ibat ibang pasilidad sa nasabing paliparan.
Kinabibilangan ito ng mga runway, 4 na terminal, at iba pang pangunahing pasilidad. nagkakahalaga ito ng kabuuang P170.6billion.
Una ring ipinaskil sa mga website ng Public-Private Partnership Center, Department of Transportation, at Manila International Airport Authority ang panuntunan sa nasabing bidding.
Ang kumpanyang makakakuha sa kontrata pagkatapos ng bidding ay siyang mamamahala sa rehabilitasyon, operasyon, at maintenance ng Ninoy Aquino International Airport.
Kasabay nito ay inaasahan ding lalo pang bubuti ang kabuuang passenger experience sa nasabing paliparan.
Inaasahan ding aabot na sa 63million ang annual passenger ng nito, mula sa kasalukuyang 32million, oras na matapos na ang kabuuang pagsasaayos dito.