-- Advertisements --
NAGA CITY – Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Mark Avila na tubong Bicol ang titulo bilang Mr. Gentleman of the World 2019.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Avila, sinabi nitong labis ang kanyang kasiyahan at handa siyang ialay ang kanyang kampeonato sa mga taong nasa likod ng kanyang matagumpay na laban na ginanap sa Singapore.
Ayon kay Avila, nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mga taong nagtiwala sa kakayahan niya.
Iginiit din ni Avila na hindi siya makakalimot sa kanyang sa pagbibigay importansya sa edukasyon na kanyang adbokasiya.