-- Advertisements --

Suportado ng isang Party List solon ang napakalaking hakbang ng gobyerno tungo sa pagbabagong pang-ekonomiya, ito ay ang pagbuo ng sovereign wealth fund.

Kapuri-puri din ang ginawang hakbang ng pamahalaan hinggil sa pamamahala sa Maharlika Investment Fund (MIF) na ilayo ito sa isyung pulitika.

Ayon kay Ako Bicol Party List Representative at House Committee on Appropriations Chairman Elizaldy Co ang nasabing diskarte ay nagsisiguro ng transaprency, pananagutan at nakatutok sa pagbuo ng pinakamainam na kita para sa kapakinabangan ng ating bansa at mga tao.

Taos pusong pinasalamatan ni Co si Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa pagbuo ng sovereign wealth fund na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

“With the establishment of the Maharlika Investment Fund, we are taking a bold step towards our country’s economic transformation. This sovereign wealth fund will enable us to make strategic investments that will drive sustainable growth and contribute to the overall development of the Philippines,” pahayag ni Rep. Co.

Ang MIF ay may pangakong magbukas ng mga bagong pagkakataon at magmaneho ng progreso sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga pangunahing sektor tulad ng socioeconomic development at imprastraktura.

Ipinunto ng mambabatas na paglayo ng MIF sa pulitika, makapag operate ito ng maayos na naka base sa investment strategies, prudent fiscal management at pag safeguard sa integridad ng pondo.

Dagdag pa ni Rep. Co na ang pagbuo ng gobyerno ng Maharlika Investment Fund ay isang patunay sa determinasyon ng pamahalaan na bumuo ng mas maliwanag at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat ng Pilipino.