-- Advertisements --
NAGA CITY – Ligtas pa rin umano sa sakit na polio ang buong Bicol Region.
Ito ang kinupirma ni Dr. Ernie Vera, Regional Director ng Department of Health (DoH)- Bicol sa pagharap nito sa mga kagawad ng media.
Ayon sa opisyal, wala namang dapat na ikabahala ang publiko sa halip hinikayat nito ang mga magulang na agad magtungo sa pinakamalapit na ospital o health center para sa bakuna ng mga batang may edad limang taon pababa.
Maliban dito, nananawagan din si Vera sa publiko na suportahan ang mga aktibidad at programa ng ahensya.
Aniya, magtiwala lamang sa DoH dahil hindi aniya nila pababayaan na magresultang muli sa outbreak ang naturang sakit lalo na sa rehiyon.