-- Advertisements --

Naghahanda na ngayon ang Bicol region para sa isang mas kapana-panabik at kaakit-akit na tourism spectacle at may mga nakalinya ng mga transportation projects.

Ito ang isinawalat ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co na siyang chairman ng House Committee on Appropriations ng pangunahan nito ang groundbreaking ceremony ng bagong Municipal Hall ng Sto. Domingo.

Ayon sa Kongresista, pakaaabangan ang “Bicol Loco Festival” na magtatampok ng mga hot air balloon, na kumukuha ng inspirasyon mula sa mga kilalang internasyonal na kasiyahan.

Sinabi ni Rep. Co nakikipag ugnayan na sila sa Department of Tourism, kung saan nasa 25 hot air balloon ang kanilang tinitignan para sa tatlong araw na festival.

Bukod sa hot-air balloon, kanilang iimbitahan ang ilang mga international artist sa Asya para mag perform kung saan target itong gaganapin sa buwan ng Hunyo at Hulyo sa susunod na taon.

Ibinunyag din ni Co ang mga planong ipaliwanag ang majestic Mayon Volcano tulad ng ginawa ng France sa iconic nitong Eiffel Tower.

Dagdag pa ng mambabatas na naaayon sa mga nakaplanong proyekto sa turismo ang mga pagpapahusay sa imprastraktura sa rehiyon, kabilang ang katatapos lang na Legazpi International Airport, ang patuloy na konstruksyon ng isang cruise ship terminal sa Legazpi, at isang napipintong serbisyo ng express train na inaasahang makabuluhang bawasan ang kasalukuyang oras ng paglalakbay mula Maynila hanggang Legazpi.

Binigyang-diin ni Co na ang leveled-up na turismo sa Bicol ay nangangakong magpapalakas ng ekonomiya at pagpapalawak ng mga prospect ng trabaho sa loob ng rehiyon.

Tungkol naman sa healthcare, inihayag ng party-list legislator ang patuloy na pagtatayo ng bagong ospital.

Aniya, nakakuha na ng alokasyon na P5 milyon hanggang P7 milyon para sa Bicol Regional Medical Center sa Albay.

“We shout out to the world that Legazpi, Albay, is ready to serve you,” pahayag ni Rep. Co.