-- Advertisements --

Umaabot na sa P166.5 billion ang napagkasunduan ng bicameral conference committee na ilalaan sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Mula sa dating P140 billion sa version ng Senado at P162 billion ng House version, nakita ng mga mambabatas na kailangan pa nila itong dagdagan dahil sa tulong na ilalaan sa medical frontliners.

Inaasahan ding makakatulong ang pondo para sa pagpapalakas ng micro, small at medium enterprises.

Malaki rin ang ibubuhos na pondo para sa Department of Health para sa employment ng emergency human resource for health at Department of Labor and Employment’s (DOLE) cash-for-work program.

Ayon kay Sen. Grace Poe, maaaring sa mga susunod na arawa ay matapos na ang bicam at maisumite na ang bill sa tanggapan ng Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan bilang ganap na batas.