-- Advertisements --
immigration

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na nakikipagtulungan ito sa Department of Justice (DOJ) upang tugunan ang mga kaso ng mga naarestong dayuhan na umaabuso sa legal system ng Ph.

Ito ay upang maiwasan ang deportasyon sa pamamagitan ng “demanda me” scheme.

Sa ilalim ng nasabing scheme, ang mga dayuhan na nakatakdang ma-deport ay nagsampa ng “frivolous” na mga kaso laban sa kanilang sarili upang patagalin ang kanilang pananatili sa Pilipinas habang nagpapatuloy ang mga legal proceedings.

Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, inaabuso kasi ng mga dayuhan ang paggamit ng scheme.

Sinabi ni Sandoval na ang immigration bureau ay humingi ng tulong sa justice department para sa listahan ng mga dayuhang mamamayan na may mga nakabinbing kaso.

Sa mga talaan, halos 300 foreign nationals ang nakadetain sa pasilidad sa Taguig na halos kalahati ng mga nakabinbing kaso dito sa Pilipinas ngunit hindi naman sa ilalim ng ‘demanda me’ scheme.

Una nang sinabi ng BI na nakikipagtulungan din ito sa DOJ para parusahan ang mga abogadong Pilipino na tumulong sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng “sue me” scheme.