-- Advertisements --
DOJ

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Bureau of Immigration sa suporta na ibinigay ng Department of Justice upang maresolba ang isyu sa Demand Me’ scheme.

Kung maaalala, sa public hearing ng Committee on Finance na pinangunahan ni Senador Sonny Angara, inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga mambabatas ang mga ginagawang galawan o scheme ng naaresting foreign national sa kustodiya ng BI

Idinetalye rin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang naturang scheme, at sinabing dahil hindi maipapatupad kaagad ang deportasyon ng mga dayuhan na may mga nakabinbing kaso, ilan sa mga ito ang humihingi ng pabor at serbisyo ng mga tiwaling abogado na upang sampahan sila ng walang kabuluhang kaso.

Sa ganitong paraan ay maaantala ang kanilang deportasyon.

Binanggit rin ni Remulla sa nakaraang pagdinig ang isang kaso kung saan ang isang Japanese Fugitive ay ay nahaharap sa isang kaso ng Violence Against Women and Children na isinampa ng kanyang asawa, na patuloy na bumibisita sa kanya araw-araw.

Naniniwala rin si Commissioner Tansingco na ginawa ang ganitong walang kabuluhang bagay upang maantala ang kanilang deportasyon.

Sa kasalukuyan, ang Warden Facility sa lungsod ng Taguig ay kasalukuyang naglalaman ng 276 na dayuhan .