Binuksan ngayong ng Bureu of Immigration (BI) ang hiring para sa bagong 195 bakanteng posiyon na magsisilbing augmentation sa mga personnel na naka-deploy sa international airports at seaports sa buong kapuluan.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na layon ng kanilang hiring ay para ma-maximize ang personnel ng BI at bilang paghahanda na rin sa mga bagong international airports na magbubukas sa mga susunod na taon.
Maglalagay din umano sila ng mga tao sa kanilang border crossing stations.
Nais din nilang ang mga fresh graduates ang mag-apply kung nais nilang magsimula ang kanilang career sa public service.
“We are filling out vacant positions to maximize the personnel of the BI, in anticipation of new international airports to open in the next few years, as well for deployment to our Border Crossing Stations. We aim to attract fresh graduates that wish to start a career in public service. This is your time to serve the country by being an immigration officer,” ani Morente.
Kabilang sa mga bukas sa plantilla positions ay isang Attorney 4 at isang Attorney 3 ng Bureau.
Ayon kay Morente, ang mga immigration officers na bagong hire ay magkakaroon ng Salary Grade Level 11 o nasa mahigit P22,000.
Pero kailangan ay nagtapos ang mga ito ng four-year course at mayroon nang Career Service Professional Second Level Eligibility mula sa Civil Service Commission (CSC).
Dagdag ni Morente, sa oras na ma-hire ang 195 ay agad sasalang sa mahigpit na pagsasanay sa ilalim ng kanilang Center for Training and Research (CTR) bago sila i-deploy
“We are looking at conducting a virtual training for the new immigration officers,” dagdag Morente.
Ang mga dating nag-apply ay pinatira muna sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga kung saan sila sumailalim sa dalawang buwang training kaugnay ng immigration laws at procedures bago sila madestino sa iba’t ibang BI offices bilang on-the-job trainees.
Pero dahil sa pandemic, plano na lamang ng BI na magsagawa ng virtual trainings.
“Despite this limitation, we will make sure that hired immigration officers pass the course first before being deployed. We want to hire the cream of the crop, to professionalize the Bureau,” wika pa ni Morente.
Sa mga gustong mag-apply bisitahin lamang ang kanilang website na careers.immigration.gov.ph par makakuha sila ng kanilang aplikasyon.