-- Advertisements --
naia 2

Nangako ang Bureau of Immigration (BI) na titingnan nito ang mga posibleng lapses sa mga pamamaraan ng inspeksyon sa kawanihan.

Ito ay upang tugunan ang mga reklamo ng mga biyahero ukol sa missed flights dahil sa mahabang pila o mahabang inspection interview.

Sinabi ng tagapagsalita ng BI na si Dana Sandoval na si BI Commissioner Norman Tansingco ay nag-utos ng isang pagsisiyasat upang tugunan ang mga alalahanin na ipinalabas ng mga biyahero.

Aniya, titiyakin ng nasabing kawanihan na hindi kukunsintihin ng ang mga maling gawain ng kanilang tauhan.

Gayunpaman, ipinunto ni Sandoval na ang pangalawang inspeksyon ng BI ay bahagi ng regular na pamamaraan para protektahan ang mga Pilipino mula sa human trafficking schemes.