-- Advertisements --
image 70

Ibinunyag ng Bureau of Immigration (BI) ang tinatawag na “emerging trafficking scheme” matapos madiskubre ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) na pupunta sa mga destinasyon maliban sa nakasaad sa kanilang mga employment documents.

Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, layunin ng modus operandi na ito na malinlang ang immigration officers dahil ang mga biktima ay mayroong employment permits sa partikular na bansa kung saan sila dating nagtrabaho subalit sa sa katunayan ang kanilang intensiyon ay magtrabaho sa ibang lugar.

Kamakailan nga naharang ng BI ang 3 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nabiktima sa naturang scheme. Nasa 2 sa mga ito ang inaming patungo sila sa Dubai kahit pa nakalagay sa kanilang dokumento na patungo ang mga ito sa kanilang dating employer.

Napigilan ang 2 pasahero mula sa pagalis sa NAIA 3 noong November 1 matapos nilang aminin na ang mga valid employment document na kanilang ipinakita sa Saudi Arabia ay palabas lamang dahil ang aktwal nilang intensyon ay magtrabaho sa Dubai.