-- Advertisements --

Hinimok ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pilipino na nagbakasyon mula sa Undas break para gamitin ang electronic gates sa mga paliparan para sa mas mabilis na proseso.
Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, mas mapapaikli ang oras ng proseso para sa bawat mga pasahero mula sa nakagawiang 45 segundo sa 8 segundo na lamang.
Ayon pa sa BI, mula sa 32,045 na mga pasahero na dumating sa mga paliparan noong Oktubre 31, tanging nasa 5,210 ang gumamit ng electronic gates.
Sinabi din ng bureau na posibeng tumaas pa ang bilang ng mga pasahero sa 35,000 ngayong tapos na ang Undas.
Sa kasalukuyan, mayroong 21 e-gates na nakatalaga sa malalaking international airports sa buong bansa.










