Hinarang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang isang Chinese national na sangkot umano sa credit card fraud.
Ayon kay BI-Interpol chief Jaime Bustamante, nakita umano ng immigration officer ang pangalan ng Chinese sa listahan ng blacklisted foreign nationals.
Ang blacklist order daw na ito ay nagmula sa blue notice na inilabas ng Interpol sa Beijing dahil sa criminal case nito sa Taiwan.
Nahaharap din ito sa kasong kriminal sa China dahil sa pag-facilitate ng pagbebenta ng mga credit cards ng kaniyang mga kaanak sa criminal fraud syndicates.
Pinuri naman ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nangyari. Patunay raw ito na may mabuting ibubunga ang kooperasyon ng Bureau of Immigration at Interpol para mahuli ang foreign fugitives.