LOOP: BI, DOLE, alien employment permit (AEP), BI Commissioner Norman Tansingco, DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, work visa at permit sa Pilipinas
Lumikha ng data-sharing agreement ang Bureau of Immigration (BI) at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mas madaling pag-access sa mga dayuhang binigyan ng alien employment permit (AEP) at kwalipikado para sa working visa sa Pilipinas.
Ang kasunduan ay nilagdaan noong Miyerkules, Pebrero 28, sa pagitan ni BI Commissioner Norman Tansingco at DOLE Secretary Bienvenido Laguesma.
Ayon kay Tansingco, ang pangunahing layunin ng pagsisikap na ito ay para matiyak na tanging ang mga lehitimong dayuhang manggagawa, na sinuri ng DOLE, ang mabibigyan ng mga work visa at permit sa Pilipinas.
Sa ilalim ng kasunduan, ipinaliwanag ng BI na bibigyan ng DOLE ang BI ng komprehensibong data sa mga dayuhang nabigyan ng alien employment permit (AEP), certificates of exemption at exclusion, gayundin ng impormasyon sa mga kinansela at binawi na alien employment permit (AEP) at certificate of exemption.
Ipinunto nito na ang alien employment permit (AEP) ay pangunahing kinakailangan para sa mga dayuhang mamamayan na nag-aaplay para sa mga work visa.
Ang kasunduan ay isinagawa matapos madiskubre ng BI noong 2023 sa daan-daang dayuhan na nabigyan ng working visa na na nag apply sa mga pekeng kumpanya.
Dahil dito, kinansela ng BI ang working visa ng 459 na dayuhan matapos aprubahan ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla ang mga rekomendasyon nito.