-- Advertisements --
Naging mahigpit ang bilin ng Bureau of Immigrations sa kanilang tauhan na pinagbabawal ang pagbati sa mga biyahero ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, na mayroon silang standing policy ukol sa pagbati ng “Maligayang Pasko” lalo na ang mga nasa paliparan.
Mayroon negatibong pahiwatig kasi na kapag binati ng isang immigration officer ang mga pasahero ay tila humihingi ang mga ito ng regalo.
Maaari lamang bumati kapag ang pasahero ang unang bumati dahil tradisyon na rin sa Pinoy ang pagbati sa bawat isa tuwing may okasyon.