-- Advertisements --

Pormal ng iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC), ang tumatayong National Board of Canvassers (NBOC), ang Bagong Henerasyon (BH) Party-list sa may COMELEC Office. Ibinigay na sa kanila ang Certificate of Proclamation na nagpapatunay na ang kanilang 1st nominee na si Roberto Gerard Nazal Jr. ang opisyal ng kakatawan sa grupo sa 20th Congress.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, walang miyembro ng National Board of Canvassers (NBOC) ang present sa pagbibigay ng Certificate of Proclamation. Aniya, itinawag muna ng COMELEC Secretary ang patungkol certificate at pumunta naman ang presidente at secretary general ng BH Party-list para kuhanin ito.

Bagaman, asahan na magkakaroon ng ceremonial proclamation sa susunod na linggo, nilinaw ni Garcia na ang pinakamahalaga ay ang certificate of proclamation dahil ito ang ipapakita sa House of Representatives bilang patunay na nanalo ang kanilang grupo sa katatapos na halalan noong Mayo 12.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, tinanggihan ng COMELEC En Banc ang mosyon para sa inihain muli ng petitioner na si Russel Stanley Geronimo. Ang kaso ng diskwalipikasyon ayibinasura rin ng COMELEC 1st Division dahil sa kakulangan sa proseso.

Matatandaang ipinagpaliban noon ng COMELEC, bilang National Board of Canvassers, ang proklamasyon ng BH Party-list at Duterte Youth dahil sa mga nakabinbing petisyon laban sa kanila.