Aabot sa 123 munisipalidad pa sa Pilipinas ang nangangailangan ng kagamitan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Kabilang na rito ang mga lugar na hanggang sa ngayon ay wala pang firetruck at wala pang fire station.
Ito ang kinumpirma ni BFP Spokesperson Col. Annalee Atienza, kasabay ng obserbasyon ng Fire Prevention Month ngayon Marso.
Sa naging panayam, sinabi ng opisyal na mayroon na silang nakalatag na 10-year program at ito ay magsisimula ngayong 2024.
Sa ilalim nito ay tututukan ng pamahalaan na mapunan ang mga kakulangang ito, at madagdagan ng makabagong kagamitan ang hanay ng BFP.
Ang naturang plano ay alinsunod naman sa RA 11589 o mas kilala bilang BFP Modernization
Kabilang na dito ang mga kinakailangang choppers at helicopters sa pagresponde sa sunog. (With reports from Bombo Victor Llantino)