-- Advertisements --
Nagpadala na ang Bureau of Fire Protection o BFP ng 1,000 mga tauhan nito sa 66 sementeryo sa Metro Manila para masiguro ang kaligtasan ng publiko na dadalaw sa mga yumao nilang mahal sa buhay.
Ayon kay BFP-NCR asssitant regional director Senior Supt. Rodrigo Reyes na magde-deploy sila ng medical team na mga mahuhusay, well-trained at fully equipped na magaantabay sa bawat sementeryo.
Dagdag pa ng opisyal na ang kanilang tauhan ipinakalat ay mga registered nurse na highly-trained.
Mayroon din silang “Oplan Ligtas na Pamayanan” na mga firetruck na iikot sa mga matataong lugar.
Nagpaalala din si Reyes sa publiko na itirik ang mga kandila sa mga ligtas na area o mas mainam aniya ay sa labas nalang ng bahay upang matiyak na ang kaligtasan.