-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umaabot sa 53 bangkay ang kanilang narekober sa ikaapat na araw ng nagpapatuloy na response at retrieval operations ngayong Huwebes, Hunyo 11 kasunod ng tumamang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Ayon kay BFP spokesman Supt. Anthony Arroyo, ilan sa mga narekober na labi ay isinasailalim pa sa validation dahil nagpapatuloy pa rin ang pagtukoy ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga ito.

Ang bilang ng na-retrive na mga katawan ng mga biktima ng lindol ay mas mataas kesa sa opisyal na datos na 45 fatalities ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na inilabas nitong tanghali ng Miyerkules.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang search and retrieval efforts ng BFP sa Region 12 kung saan ipinadala na rin ang kanilang units mula sa iba pang rehiyon para mag-augment sa mga local responder.

Ayon kat Supt. Arroyo, idinepploy na rin ang mga BFP teams mula sa Region 10, Caraga at Bangsamoro Region para suportahan ang mga isinasagawang retrieval operations habang ipinadala naman ang units nito mula sa Region 11 sa Region 12 bilang augmentation sa mga pinaka-apektadong lugar.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Code red Alert ang BFP sa Region 11 at 12, kung saan ang mahigit 3,000 personnel nito ay naka-full alert para sa humanitarian, rescue at evacuation operations.