-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong stand-up comedian na si Philip Lazaro sa edad 51.
Kinumpirma ng pamangkin ni Lazaro na si Amarie Saavedra Cruz-Go sa pamamagitan ng kaniyang social media post.
Hindi naman binanggit nito ang sanhi ng kamatayan ng beteranong komedyante.
Bukod sa pagiging tv at live events director ay nakasama rin siya sa ilang mga pelikula gaya ng “Kailangan Ko’y Ikaw”, “Wanted Perfect Mother” at iba pa.
Naging co-director din siya sa isang game show at bumida rin siya sa ilang teleserye.