Kikilalanin ang tinaguriang “El Tinyente” ng PBA na si LA Tenorio dahil sa pambihira nitong milestone sa kanyang karera sa PBA.
Ngayong gabi kasi ang ika-700 straight game nito sa PBA mula nang nagsimula ito sa kanyang PBA career 15 taon na ang nakalilipas.
Ang ika-700 na laro sa PBA ng 37-anyos na manlalaro ay isasagawa sa Ynares Center.
Isasagawa ang seremonya para kilalanin si Tenorio sa halftime ng Philippine Cup game sa pagitan ng Gin Kings at Blackwater Bossing.
Ang unang game ng Kings sa season-opening conference ay kasunod na rin ng kanilang panalo sa Governors’ Cup championship noong Abril.
Isang espesyal na plaque na mayroong PBA ball ang nakalagay sa gitna nito ang ibibigay kay Tenorio.
Itinuturing itong Iron Man sa liga dahil hindi ito lumiban sa kahit isang game sa 15 taong karera sa PBA.