Tinawag na “malicious” ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagpapakalat ng pekeng video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tilang may ginawang kakaiba.
Ginawa ni Bersamin ang pahayag matapos ito dumaan sa red carpet ng SONA sa North Wing ng House of Representatives.
Ipinakita ang nasabing video sa ginanap na rally ng MAISUG sa Los Angeles sa Amerika.
Itinaon ang paglalabas ng nasabing pekeng video sa State of the Nation Address ng presidente ngayong araw.
Sa kabilang dako, ayon naman sa Presidential Communications Office (PCO) ang nasabing hakbang ay isang tangka na i-destabilize ang administrasyong Marcos, subalit sinisiguro ng gobyerno na hindi ang mga ito magtagumpay.
Binigyang-diin ng PCO, na isang kaduwagan din ang pagpapalabas ng video sa Amerika dahil hindi sila masasakop sa criminal jurisdiction ng Pilipinas.
Nanawagan ang gobyerno sa mga otoridad ng Amerika na imbestigahan ang insidente.