Exempted na sa value-added tax ang bentahan ng mga house and lot na nagkakahalaga sa Php3.6-million pababa.
Ito ay matapos na ilabas ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui ang revenue regulation no. 1-2024 na nagpapatupad ng karagdagang vat exemption threshold sa mga house and lot for sale, at iba pang residential dwellings na nagkakahalaga sa Php3.6 million mula sa dating Php3.199 million.
Ang naturang adjustment aniya ay alinsunod sa section 109 (p) ng national internal revenue code na nagmamandato naman sa pagpapatupad ng kaukulang adjustments sa subject amount kada tatlong taon sa pamamagitan ng consumer index na batay naman sa ilalabas ng Philippine Statistics Authority.
Samantala, bukod dito ay inihayag din ng BIR na sesentro rin ang kanilang kagawaran sa kanilang pillar na excellent taxpayer service ngayong taong 2024.